^

PSN Palaro

Pinantayan ni Padilla ang sariling SEAG record

-
Umasinta ang pistolerong si Nathaniel "Tac" Padilla ng 581 puntos noong nakaraang Sabado at naitabla ang Southeast Asian Games record sa rapid fire event sa ikaapat na yugto ng shooting elimination na ginanap sa PSC-Marines’ ranges sa Fort Bonifacio, Makati City.

Dinuplika ni Padilla, nag-wagi ng kanyang kaunaunahang gold medal sa edad 12 noong 1975 world junior championships sa Mexico City ang SEAG record na 581 na ipinoste ni Opas Rueng-panyamwut ng Thailand sa Kuala Lumpur noong 1989.

Habang ang karamihan sa mga SEA Games aspirants ay bahagyang nanga-ngapa sa kani-kanilang pulso, taliwas naman ito sa 38 gulang general manager ng Malabon Soap & Oil Manufacturing Company kung saan siya ay nasa magandang porma, sa kabila na mas mababa ng anim na puntos ang kanyang 587 Philippine record na naitala niya noong 1990 Asian Games elimination.

Ayon kay monitoring officer Bert Landero, na makikilatisan ng husto ang mga local shooting bets sa kani-kanilang paglahok sa international sa susunod na buwan. Lalahok ang moving target shooters sa Lonato, Italy sa World Cup sa Hunyo 24-30, habang ang rifle at pistol event ay sasabak naman sa SEASA championships sa Bangkok, Thailand sa Hunyo 30 hanggang Hulyo 8.

Tanging apat na manunudla lamang ang nakapasa sa criteria sa kani-kanilang event noong nakaraang linggo. At noong nakalipas na yugto ng elimination, mas marami dito ang mga nakahigit sa standards set.

Kabilang sa mga naka-pagmintina ng kanilang pagkakapasa sa criteria sa kani-kanilang events ay sina Gilbert Escobar (air pistol-572), Rasheya Jasmin Luis (sports riple prone-586) at Marilu Sa-maco (sports riple prone-581). Nakapasa rin si Marcelo Gonzales sa criteria breaking column (air pistol-572).

ASIAN GAMES

BERT LANDERO

FORT BONIFACIO

GILBERT ESCOBAR

HUNYO

KUALA LUMPUR

MAKATI CITY

MALABON SOAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with