Humakot si Michael Bravo ng 25 puntos kabi-lang ang apat na triples ang siyang ginawang sandigan ng Hotellers sa kanilang ikapitong panalo matapos ang siyam na laro.
Ang panalo ng Hotellers ang siyang naglaglag sa Cake Experts sa ikaapat na puwesto sanhi ng 5-4 karta na dahilan upang magkaroon ng kumplikadong sitwasyon sa Group B top team para sa huling semis slot.
Nagsalpak si Roel Galura ng dalawang free throws mula sa foul ni Bravo para itabla ang iskor sa 54-all may 55.4 segundo ang oras.
Sa iba pang laro, tinalo ng defending champion Boysen-MLQU ang Regent, 65-61, habang inilampaso naman ng Whiz Super Oil Treatment ang National University, 94-72. (Ulat ni Carol Fonceca)