Buhat sa mga regional talents sa Cebu, Davao, Baco-lod, Davao Oriental, Cagayan de Oro, Zamboanga at Mara-wi, ang mga Pinoy ay mag-uuwi ng 7-gold medals, 10 silvers at 3 bronzes bilang ninth place overall finish sa pagsasara ng biennial Games noong Sabado.
Ang ninth place finish ay ang ikalawang pinakamagandang performance ng bansa sa ikaanim na edisyon ng event makaraang pumangatlo ang delegasyon na binubuo nina national athletes Elma Muros, Hector Begeo, Lizza Danila at Althea Lim noong nakaraang dalawang taon nang may 18-bansa ang lumahok sa Games.
Para kay PSC Commissioner William "Butch" Ramirez, ay higit pa sa inaasahan ang kinatapusan ng kampanya ng mga Pinoy dito.
Matagumpay namang napanatili ng host country na Australia ang kanilang overall title sa ikaanim na sunod na pagkakataon habang nanatiling second naman ang Malaysia.
Ikatlo ang Vietnam kasunod ang Papua New Guinea, New Zealand, New Caledonia, Macao, ang Philippines at China.
Ang Arafura Games na ang pangalan ay buhat sa nakapalibot na tubig sa mahanging lugar ng Northern Territory capital, ay isang simbolo ng malawak na karagatan ng oportunidad para sa mga talent-laden athletes gaya ng mga atleta mula sa South na hindi kilala ngunit ngayon ay nagkaroon ng pagkakataong maipakita ang kanilang galing sa tulong ng tubong Mindanao na si Ramirez.
Nanalo si Norton Alamara ng dalawang golds sa mens 50 at 100m breaststroke sa swimming habang ang iba pang gintong medalya ay galing mula kina judoka Paolo Tancontian, boxers Rico Laput, Welbert Eballes at Deck Varron, boys lawn tennis na binubuo ng magkapatid na James at Oswaldo Dumoran.
Ang silver medals naman ay buhat kina swimmers Norton at Ali Alamara (2), netter Berry Sepulveda, trackster Richard delos Reyes (2) at Julius Nierras, boxers Ninolito Jalnaiz, Franklin Albia at Jesar Ancajas habang ang bronzes naman ay mula kina Sepulveda, boys lawn tennis team ng Dumoran brothers at womens table tennis doubles team.
Tinapos naman ng marathoner Ruel Ano ang kampanya ng bansa sa pamamagitan ng kanyang 15th place finish sa half-marathon na nilahukan ng 237 mananakbo.