Arcilla kampeon sa National Open netfest
May 28, 2001 | 12:00am
Kakaibang porma ang ipinamalas ni top seed Johnny Arcilla ng Philippine Air Force kahapon upang makopo ang mens singles title sa P120,000 TMS Shipping Agency National Open Tennis Championships sa Rizal Memorial Tennis Center kahapon.
Ang 21-gulang na RP Davis Cupper ay nangailangan lamang ng isang oras upang igupo ang no. 6 na si Joseph Victorino ng Manila Southwoods Tennis Academy, 6-2, 6-1.
Ito ang unang Open title para kay Arcilla na hindi lumahok sa Mandaue at Bacolod Open tournaments noong nakaraang dalawang linggo upang makibahagi sa dalawang Futures events sa China.
Nanalo si Arcilla ng P20,000 cash at 600 Philta points habang si Victorino ay nagkasya sa P10,000 at 450 points sa torneong suportado ng PSC at Dunlop ball.
Ang ikalawang seed na pares nina Arcilla at Michael Mora III ay nanalo naman ng P8,000 top purse matapos ang 3-6, 6-3, 6-2 panalo kontra sa top seeds na sina Adelo Abadia at Rolando Ruel Jr. sa doubles finals.
Samantala, nakatakda namang magtungong Seoul, Korea sina Arcilla at Victorino ngayong linggong ito upang sumali sa US$15,000 Futures event.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended