Tiniyak ito nina Filipino coaches Pedro Cortez Jr. at Rowel Merto na uma-asiste kay foreign mentor Ukrainian Serhiy Rodionov sa national squad na binubuo nina Jennifer Chan, Curita Joy Mariño, Adelinda Figuroa, Abbigail Tundugan, Christian Cubilla, Bryan Carlo Figue-roa, Syd Nerickson Fraginal at Marvin Cordero.
Sinabi naman ni National Archery Association of the Philippines (NAAP) president Ramon Lim na naririto bilang isa sa dalawang kasapi ng Jury of Appeal, sinabi niya baka mabalasa pa ang koponan ng SEAG-bound depende sa performances ng mga atleta di lamang dito kundi pati na sa susunod pang dalawang buwan.
Kasama rin sa RP delegation si Jocelyn Acop na kabilang sa isa sa walong miyembro ng Judge Committee ng torneong nilahukan ng 29-bansa.