Hangad ng Paint Masters na makuha ang second place sa kanilang layuning makabawi sa Power Boosters sa alas-4:00 ng hapon.
Karangalan naman ang nakataya sa alas-2:00 ng hapong sagupaan ng Iridologists na naghahangad maitala ang kanilang ikalawang sunod na panalo kontra sa Pioneer Insurers.
Paghihiganti ang nasa isip ngayon ng Paint Masters na lumasap ng 63-75 pagkatalo kontra sa Shark noong opening day at umaasa si coach Junel Baculi na magiging tuntungan ito ng Welcoat para makakuha ng twice-to-beat incentive.
Bagamat nakakasiguro na ang Shark sa unang finals slot, para kay coach Leo Austria ay importante pa rin ang larong ito para lalong mapalakas ang kanyang koponan.
Natalo ang Osaka sa Ateneo-Pioneer, 75-77 sa kanilang elimination meeting noong Abril 28 ngunit pakatapos ng 64-53 tagumpay kontra sa Montana noong Huwebes, umaasa rin si Osaka coach Franz Pumaren na makakaganti ang kanyang koponan kontra sa Ateneo.