^

PSN Palaro

Welcoat kontra Shark sa PBL Chairman's Cup

-
Dalawang kapanapanabik na archrivalries ang matutunghayan ngayon sa pagsasagupa ng defending champion Welcoat Paints at nangungunang Shark Energy Drink at Ateneo-Pioneer Insurance kontra sa Osaka Iridology ngayon sa quarterfinals ng 2001 PBL Chairman’s Cup sa Makati Coliseum.

Hangad ng Paint Masters na makuha ang second place sa kanilang layuning makabawi sa Power Boosters sa alas-4:00 ng hapon.

Karangalan naman ang nakataya sa alas-2:00 ng hapong sagupaan ng Iridologists na naghahangad maitala ang kanilang ikalawang sunod na panalo kontra sa Pioneer Insurers.

Paghihiganti ang nasa isip ngayon ng Paint Masters na lumasap ng 63-75 pagkatalo kontra sa Shark noong opening day at umaasa si coach Junel Baculi na magiging tuntungan ito ng Welcoat para makakuha ng twice-to-beat incentive.

Bagamat nakakasiguro na ang Shark sa unang finals slot, para kay coach Leo Austria ay importante pa rin ang larong ito para lalong mapalakas ang kanyang koponan.

Natalo ang Osaka sa Ateneo-Pioneer, 75-77 sa kanilang elimination meeting noong Abril 28 ngunit pakatapos ng 64-53 tagumpay kontra sa Montana noong Huwebes, umaasa rin si Osaka coach Franz Pumaren na makakaganti ang kanyang koponan kontra sa Ateneo.

vuukle comment

ATENEO-PIONEER INSURANCE

FRANZ PUMAREN

JUNEL BACULI

LEO AUSTRIA

MAKATI COLISEUM

OSAKA IRIDOLOGY

PAINT MASTERS

PIONEER INSURERS

POWER BOOSTERS

WELCOAT PAINTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with