Sa PYBL Title Cup: Whiz lusot sa Gringo-Konica
May 26, 2001 | 12:00am
Nagawang kunin ng Whiz Super Oil Treatment ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos na pataubin ang Gringo-Konica Express kahapon sa iskor na 89-81 sa pagpapatuloy ng quarterfinal round ng 1st Cristal Spring-PYBL Title Cup sa Makati Coliseum.
Nagpakitang gilas si Manuel Calazar nang magpakawala ng apat na tres sa first half upang dalhin sa pangunguna ang Film Experts, ngunit ito ay tinapatan nina Jose Astrobal Villaflor at Rajan Domingo upang agawin ang abante sa 51-38 pabor sa Whiz.
Gayunman, muling nagpakawala ang Film Experts ng 14-3 salvo para bawian ang Konica sa 78-77 bentahe, 3:22 ang oras sa laro.
Hindi naman nawalan ng loob ang Lubricants at magkatulong na inilayo nina Villaflor at Domingo ang kanilang kalamangan sa 7 puntos, patungong huling dalawang minuto ng sagupaan.
Sa iba pang laro, pinayukod ng Spring Cooking Oil ang kalabang National University sa iskor na 76-74, habang tinalo naman ng Regent Cheese Balls ang University of Assumption, 75-73. (Ulat ni Carol Fonseca)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended