Pacquiao, boxer of the month

Napili ng Games and Amusement Board (GAB) si World Boxing Council International superbantamweight champion Manny Pacquiao bilang boksingero ng buwan ng Abril.

Ito ang inihayag kahapon ni GAB Rating Committee secretary Antonio Comia.

Ayon kay Comia, ang 23 anyos na tubong General Santos, South Cotabato na si Pacquiao ay napili kontra sa tatlo pang kandidato na sina WBC Int’l minimumweight champion Ernesto Rubillar, kapatid na si WBC Int’l lightfly-weight champion Juanito Rubillar at Philippine welter-wegiht title holder Rey Pelonia.

Naidepensa ni Pacquiao sa ikalimang pagkakataon ang kanyang korona sa pamama-gitan ng 6th round technical knockout kay Wethya Sak-muangklang ng Thailand noong Abril 28, sa Kidapawan City, North Cotabato.

Si Pacquiao na kasaluku-yang nasa Amerika para sa ilang tune-up fight bago muling isabak sa isang world title bout, ay nangunguna ring kandidato para sa prestihiyosong GAB Boxer of the Year.

Show comments