Regent sa Quarterfinals
May 25, 2001 | 12:00am
Naglatag ng mala-moog na depensa ang Regent Cheese Balls sa huling maiinit na sandali ng labanan upang igupo ang Assumption-Goldilocks, 68-66 kahapon at kunin ang No. 2 spot patungong quarterfinals ng 1st Crystal Spring PYBL Title Cup sa Makati Coliseum.
Muling nagpakitang gilas si Rudy Espino nang humakot ito ng 25 puntos, limang rebounds at tatlong assists upang pamu-nuan ang ibinabang 14-2 bomba na siyang gina-wang sandigan ng Cheese Balls sa kanilang tagumpay.
Kapwa tumapos ang Regent at University of Assumption-Goldilocks ng 5-2 win-loss slate, ngunit ang una ang siyang sumungkit ng ikalawang slot sa quarters bunga ng kanilang win-over-the-other rule
Sa iba pang laro, nilimita ng Boysen-MLQU ang National University sa final minuto upang pabagsakin ito sa 65-60 at kumpletuhin ang winners circle sa quarterfinal round kasama ang UP-Waterfront, University of Assumption Goldilocks at Regent Cheese Balls.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended