^

PSN Palaro

5 gintong medalya inaasahan para sa Pinoy sa 2001 Arafura Games

-
DARWIN, N.T. Australia -- Limang gintong medalya ang inaasahan, ang dalawa ay naibulsa na kaya’t nanatiling may pag-asa ang Philippines na magkaroon ng top ten finish sa 2001 Arafura Games dito.

Anim na Pinoy pugs ang lalaban para sa gintong medalya sa apat na kapana-panabik na finals matches tampok ang dalawang all-Filipino bouts habang mapapasabak naman si Bernardine Aurell Sepulveda sa girls singles gold kontra sa top seed na si Sarah Andrews ng Northern Territory sa lawn tennis.

Noong Huwebes, nakakuha ng gintong medalya ang Philippines mula kina judoka PaoloTancontian, swimmer Norton Alamara (2), at Cebu boys lawn tennis squad.

Ang mga Pinoy na kinatawan ng karamihan ay mga atleta mula sa Davao, Cebu, Bacolod, Zamboanga, Marawi, Cagayan de Oro at Davao Oriental, ay nagkasya sa bronze medal sa lawn tennis mula kay Cebuano netter James Dumo-ran sa boys singles.

Ang dalawang All-Filipino boxing finals ay ang engkuwentro nina Welbert Eballes ng RP-Davao kontra kay Franklin Albia ng RP-Cebu sa flyweight class habang itataya naman ni defending bantamweight winner Deck Varron ng RP-Davao ang kanyang 1999 bantamweight diadem kontra kay Ninolito Jalnaiz ng RP-Cebu kaya’t awtomatikong may dalawang ginto na ang Philippines at dalawang silver.

Ang iba pang finalists ay sina foxy lightflyweight Rico Laput ng RP-Davao na asam ang gold medal kontra sa bigating si Zamzai Azizi ng Malaysia at ang featherweight na si Jesar Ancajas (RP-Davao) ay haharap naman kay Gregory Eadie ng New South Wales.

Ang Philippines ay nasa ika-11th puwesto na may 4-golds, 6-silvers at isang bronze ngunit posibleng umangat sa ika-8th o 9th place kung mag-tatagumpay ang mga boxers. "So far so good. I think our athletes have outperformed themselves and I am personally satisfied with their performance so far," pahayag ni RP delegation head Commissioner William Ramirez ng PSC.

Tatapusin ni long distance ace Ruel Ano ang kampanya ng RP squad sa seventh edition ng Games sa half marathon sa Linggo.

ANG PHILIPPINES

ARAFURA GAMES

BERNARDINE AURELL SEPULVEDA

CEBU

COMMISSIONER WILLIAM RAMIREZ

DAVAO

DAVAO ORIENTAL

DECK VARRON

FRANKLIN ALBIA

GREGORY EADIE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with