^

PSN Palaro

Lapore umusad sa quaterfinals sa TMS Shipping Agency National Open Tennis Championship

-
Umusad ang fourth seed na si Jesus Lapore ng Philippine Army sa men’s singles quarterfinals nang kanyang itala ang 7-5, 7-5 panalo kontra No. 14 Cris Cuarto kahapon sa P120,000 TMS Shipping Agency National Open Tennis Championship sa Rizal Memorial Tennis Center.

Makakaharap ni Lapore, talunan sa finals ng Bacolod Open noong nakaraang linggo ang sixth seed na si Joseph Victorino na umiskor ng 7-5, 6-3 panalo kontra No. 11 Ronald Paz.

Nagwagi rin sa kani-kani-lang division sina top seed Adelo Abadia, No. 2 Johnny Arcilla at No. 3 Rolando Ruel Jr., sa event na ito na hatid ng PSC at Dunlop ball.

Tinalo ni Abadia, champion sa Bacolod at Mandaue ang No. 16 Jaime Solon, 6-4, 6-1 upang umusad kontra No. 7 Michael Mora III na nagposte ng 6-4, 6-4 panalo kontra No. 9 Pop Sabandon.

Hiniya ni Arcilla, nagpakita ng aksiyon sa dalawang Futures event sa China nitong nakaraang linggo si No. 15 Roland Kraut, 6-1, 6-0 upang makaharap si No, 8 Niño Salvador na sinibak naman si No. 10 Antonio Sagansay.

Naligtasan ni Ruel ang laban kay Luis Clores, 3-6, 6-2, 6-1 para itakda ang kanilang paghaharap ni No. 5 at 1994 PCA Open champion Pio Tolentino na umiskor ng 6-1, 6-3 panalo kontra No. 12 Frede-rick Morgan.

Sa women’s division, pina-bagsak ni No. 1 Vida Lina Al-puerto si Vanessa Gutierrez, 6-0, 6-3 upang ipuwersa ang kanilang semifinal showdown ni Josephine Paguyo na nanaig naman laban kay Deena Rose Cruz, 6-3, 6-3.

ADELO ABADIA

ANTONIO SAGANSAY

BACOLOD OPEN

CRIS CUARTO

DEENA ROSE CRUZ

JAIME SOLON

JESUS LAPORE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with