Gomez, Mariano patuloy ang pagsiklab
May 23, 2001 | 12:00am
Patuloy ang pananalasa nina juniors Iking John Paul Gomez at collegiate standout Carmina Joy Mariano at patuloy na hawakan ang solong liderato sa kani-kanilang division matapos ang ikaapat na round ng 2001 National Age Group Chess Championships sa Mandaluyong City kahapon ng umaga.
Magaang na naitala ng 14-anyos na si Gomez ang kanyang panalo kontra Chester Yonzon ng Philippine Christian University sa pamamagitan ng default, habang kinailangan ni Mariano, ang Board 1 player ng University of the East na makipagpigaan ng utak sa kalabang si Leninda del Rosario bago niya ito napayukod sa ika-49 sulungan ng French Defense.
Hawak ni Gomez ang pamumuno sa Boys U-20 bracket matapos na ang mga dating co-leaders na sina International Master Mark Paragua at University of Santo Tomas Roland Salvador ay nagkasundo sa isang draw sanhi ng kanilang 3.5 puntos.
Napanatili ni Mariano ang kanyang dominasyon sa sa Girls U-20 kontra sa mahigpit na karibal na sina Beverly Men-doza, del Rosario, Maureen Dullion at Jennifer Catilo ng Davao ng isang puntos.
Samantala, magdaraos ang Philippine Chess Arbiters Commission ng tatlong araw na seminar sa arbitration, ratings system at computerized/manual pairings simula ngayon sa alas-6:30 ng gabi. Ang sinumang interesadong chess teachers, coaches at trainors ay maaaring lumagda bago magsimula ang lecture.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended