^

PSN Palaro

Sa Arafura Games: Magkapatid na Alamara nanalasa

-
DARWIN, NT Australia-Nanalasa ang magkapatid na Norton at Ali Alamara sa isinubing isang ginto at dalawang pilak na medalya noong Lunes nang tumalon ang Philippines sa ikapitong puwesto mula sa 11th place makaraan ang tatlong araw ng hostilidad ng 2001 Arafura Games dito.

Tumapos ang magkapatid na Norton ng 1-2 finish sa 100m breaststroke para sa boys’ 17-above category. Nilangoy ng 22-anyos na si Norton ang ginto sa 200m breaststroke nang kanyang talunin si Chris Bagley ng host Northern Territory.

Naorasan si Norton, nanalo ng bronze sa nasabi ring event dalawang taon na ang nakalilipas ng isang minuto at 11.13 segundo na nagbigay sa kanya ng ginto--ikalawa ng bansa matapos na mauna ng mag-uwi ang judoka na si Paolo Tancon-tian sa under-81 kg. class. Kinulang lamang ang Davao City tankers ng dalawang segundo para sa kanyang personal best, ngunit ang kanyang winning time ay mas mababa sa standard ng Arafura na 1:09.71 na ipinoste ni Ben Labowitch ng Northern Territory.

Sa kasalukuyan, mayroon na ang bansa ng 2 golds at 1 silver kung saan tangka na-man ng RP-Cebu boys tennis squad na maumit ang nakatayang ginto sa tennis event ngayon, habang tang-ka rin ng mga kababaihan na makamit naman ang bronze.

Hawak pa rin ng Northern Territory ang pamumuno sa kanilang 56 ginto, 59 pilak at 48 tanso, pangalawa ang Malaysia na may 5-5-5 sumunod ang New Zealand (5-4-2), New Caladonia (4-1-0), Papua New Guinea (2-3-1), Thailand (2-2-1) at China (2-0-3).

ALI ALAMARA

ARAFURA GAMES

BEN LABOWITCH

CHRIS BAGLEY

DAVAO CITY

NEW CALADONIA

NEW ZEALAND

NORTHERN TERRITORY

NORTON

PAOLO TANCON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with