^

PSN Palaro

Montana nanalo sa Ateneo-Pioneer sa OT sa PBL Chairman's Cup

-
Naging kampante ang Montana Panwshop sa free throw line sa huling parte ng overtime tungo sa 79-75 panalo kontra sa Ateneo-Pioneer sa pag-papatuloy ng quarterfinal round ng 2001 PBL Chair-man’s Cup sa Makati Coliseum.

Pinangunahan ni Jacques Gottenbos sa paghakot ng puntos sa free throw area lalo na sa huling mahahalagang oras ng labanan para sa ikatlong panalo ng Jewelers sa 10-laro.

Nalasap naman ng Pioneer Insurers ang ika-lawang pagkatalo sa 10-laro at tulad ng Montana ay pawang talsik na ang mga ito sa kontensiyon patungong semifinal round.

Matapos ang 69-67 kalamangan ng Ateneo-Pioneer, pinamunuan ni Gottenbos ang 12 puntos na produksiyon sa free throw laban sa tres nina Paul Tanchi at Edrick Ferrer para sa Ateneo upang ihatid ang Jewelers sa tagumpay.

Tumapos si Gottenbos ng 18 puntos, 8-of-8 free throws sa overtimne kabilang ang kanyang 9-of-10 free throw shooting bukod pa sa 9 rebounds at 6 assists sa likod ni Aries Dimaunahan na may game-high 22 puntos. (Ulat ni Carmela Ochoa)

ARIES DIMAUNAHAN

ATENEO-PIONEER

CARMELA OCHOA

EDRICK FERRER

GOTTENBOS

JACQUES GOTTENBOS

MAKATI COLISEUM

MONTANA PANWSHOP

PAUL TANCHI

PIONEER INSURERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with