Sweep asam ng Hapee sa PBL Chairman's Cup

Sisikapin ng Hapee Toothpaste na makalapit sa pag-sweep ng quarterfinals sa pakikipagharap sa Ateneo-Pioneer ngayon sa 2001 PBL Chairman’s Cup sa Makati Coliseum.

Sa pamamagitan ng pa-nalo ng Teeth Sparklers sa alas-5:30 ng hapong pakiki-pagsagupa sa Pioneer Insurers, isang panalo na lamang ang kanilang kailangan para makuha ang insentibong backdoor entry sa cross over semifinals.

Ayon sa tournament rule, ang koponan sa Group B na makaka-sweep ng lahat ng apat na quarterfinal matches ay may karapatang lumaban sa top team ng naturang grupo at ang mananalo dito ay haharap sa no. 4 team ng Group A.

Sa isa pang laro, hangad naman ng Montana Pawnshop na maulit ang 69-58 panalo noong Marso 27 sa kanilang muling pakikipagharap sa Osaka Iridology sa alas-3:30 ng hapon.

Tanging ang Hapee na lamang ang hadlang sa PharmaQuick na harapin ang Group A no. 4 team para sa huling semis slot.

Ang Teeth Sparklers ay ang higit na pinapaborang manalo dahil sa kanilang 72-56 panalo kontra sa Pioneer Insurers noong May 8. Ang kabiguan ng Hapee ay mangangahulugang talsik na ito sa kontensiyon.

Show comments