Abadia, Geluz panalo

Kapwa ipinoste nina Lolito Abadia at Aldrin Geluz ang kani-kanilang panalo upang makapasok sa second round ng P120,000 TMS Shipping Agency National Open Tennis Championships sa Rizal Memorial Tennis Center.

Tinalo ni Lolito, nakababatang kapatid ni dating RP Davis Cupper Adelo si Royce Bunag, 2-6, 6-2, 6-1 upang umusad kontra Govind Daswani, habang pinatalsik naman ni Geluz si Luiz Buenbrazo, 4-6, 6-3, 6-1 at haharapin naman si Gilbert Estrada.

Ang iba pang nanalo ay sina Joseph Arcilla kontra kay Nico Riego de Dios, 3-6, 6-2, 6-0; Pius Ocampo kontra Yannick Guba, 6-2, 6-1; Jefferson Lee vs Lawrence Magaway, 6-4, 6-2; Elberto Anasta kontra Joel Locsin, 6-0, 6-3 at Carlo Mana-lastas laban naman kay Jandrick de Castro, 6-4, 6-2.

Magsisimula ngayon ang laban sa alas-8 ng umaga kung saan makakaharap ng top seed na si Adelo Abadia si Randy de Guzman at sasagu-pain ni Pop Sabandon si Johan Guba.

Sa iba pang laban, magkikita sina No. 4 Jesus Lapore at Ricardo Lagac sa alas-9 ng umaga, magpapalitan naman ng palo sina No. 5 Pio Tolentino kontra Jose Tinio III sa alas-10 at magtitipan bandang alas-11 sina No. 2 Johnny Arcilla at Adamsky Anacay.

Show comments