^

PSN Palaro

Amang Parica yuko kay Deuel

-
LAS VEGAS, Nevada--Tinalo ni Corey Deuel si Jose "Amang" Parica, 7-5 sa men’s final ng Billiards Congress of America (BCA) Open 9-Ball Championships noong Sabado upang biguin ang huli sa kanyang tangkang maging ikatlong manlalaro ng Pilipinas na nanalo ng titulo sa 2001 U.S. pro billiards tour.

Sa women’s division, nanaig naman si Jeanette Lee kontra Karen Corr, 7-4 upang ibulsa ang korona.

Napakasakit ng naging pag-katalo ni Parica na bago niya makaharap si Deuel sa title match, hawak niya ang malinis na record sa tournament na ito na nagtampok sa mga star-studded field ng 128 pool pros kabilang ang mga mahuhusay sa Amerika, Europe at Asia.

Abot kamay na ni Parica, na permanente ng naka-base sa Amerika ang kanyang panalo nang itala ang 4-1 kalamangan kontra Deuel. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, siya ay minalas at nagawang makapag-rally ng American cue artist upang tapyasin ang laban sa 8-9 combination na nagkaloob sa kanya ng kauna-unahang major title.

Si Deuel, inaasahang magiging tagapagmana ng multi-titled na si Earl Strickland ay tumanggap ng $15, 000, habang nagbulsa naman si Parica ng $7,500.

vuukle comment

ABOT

AMERIKA

BALL CHAMPIONSHIPS

BILLIARDS CONGRESS OF AMERICA

COREY DEUEL

DEUEL

EARL STRICKLAND

JEANETTE LEE

KAREN CORR

SI DEUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with