Tumapos ang magkapatid na Norton ng 1-2 finish sa 100m breaststroke para sa boys’ 17-above category. Nilangoy ng 22-anyos na si Norton ang ginto sa 200m breaststroke nang kanyang talunin si Chris Bagley ng host Northern Territory.
Naorasan si Norton, nanalo ng bronze sa nasabi ring event dalawang taon na ang nakalilipas ng isang minuto at 11.13 segundo na nagbigay sa kanya ng ginto--ikalawa ng bansa matapos na mauna ng mag-uwi ang judoka na si Paolo Tancon-tian sa under-81 kg. class. Kinulang lamang ang Davao City tankers ng dalawang segundo para sa kanyang personal best, ngunit ang kanyang winning time ay mas mababa sa standard ng Arafura na 1:09.71 na ipinoste ni Ben Labowitch ng Northern Territory.
Sa kasalukuyan, mayroon na ang bansa ng 2 golds at 1 silver kung saan tangka na-man ng RP-Cebu boys tennis squad na maumit ang nakatayang ginto sa tennis event ngayon, habang tang-ka rin ng mga kababaihan na makamit naman ang bronze.
Hawak pa rin ng Northern Territory ang pamumuno sa kanilang 56 ginto, 59 pilak at 48 tanso, pangalawa ang Malaysia na may 5-5-5 sumunod ang New Zealand (5-4-2), New Caladonia (4-1-0), Papua New Guinea (2-3-1), Thailand (2-2-1) at China (2-0-3).