Pinangunahan ni Jacques Gottenbos sa paghakot ng puntos sa free throw area lalo na sa huling mahahalagang oras ng labanan para sa ikatlong panalo ng Jewelers sa 10-laro.
Nalasap naman ng Pioneer Insurers ang ika-lawang pagkatalo sa 10-laro at tulad ng Montana ay pawang talsik na ang mga ito sa kontensiyon patungong semifinal round.
Matapos ang 69-67 kalamangan ng Ateneo-Pioneer, pinamunuan ni Gottenbos ang 12 puntos na produksiyon sa free throw laban sa tres nina Paul Tanchi at Edrick Ferrer para sa Ateneo upang ihatid ang Jewelers sa tagumpay.
Tumapos si Gottenbos ng 18 puntos, 8-of-8 free throws sa overtimne kabilang ang kanyang 9-of-10 free throw shooting bukod pa sa 9 rebounds at 6 assists sa likod ni Aries Dimaunahan na may game-high 22 puntos. (Ulat ni Carmela Ochoa)