Beach football ng mga celebrities

Isang star-studded beach football tournament na magtatampok sa mga celebrities, models, PBA at MBA coaches at players at media personalities ang sasabak sa aksiyon sa Quicksand Open ngayon sa Subic Freeport sa Olongapo.

Pitong koponan ang maglalaban-laban para sa slot ng Rexona National Beach Football Championships kung saan mangunguna rito ang San Miguel Super Dry, Rexona at Mama Sita sa isang araw na event na magsisilbing final quarter para sa Luzon-based football squad patungong grand finals na nakatakda sa Dumaguete.

Ang iba pang magpapakita ng aksiyon sa event na ito na hatid ng Rexona at sanctioned ng Beach Football Association of the Philippines (BFAP) ay ang Adidas, Viva Mineral Water, Computer Mind Phils., at Subic Bay Metropolitan Autho-rity (SBMA).

Show comments