Matapos ang mahinang panimula, unti-unting nag-init ang Power Boosters sa huling bahagi ng laro upang makuha ang twice-to-beat incentive bunga ng kanilang 9-1 win-loss slate.
Bunga ng pagkatalong ito, kailangan ng Freezer Kings na may 6-3 record na maipanalo ang huling dalawang laro upang makaiwas sa anumang kumplikadong sitwasyon.
"Yun lang ang tinanim ko sa utak nila. We have to win this match to get the top spot going into the semifinals and avoid the complications," paha-yag ni coach Leo Austria.
Nakalubog ang Shark sa 16-19 sa unang canto, subalit hindi nila ito hinayaan at sa pagbubukas ng ikalawang yugto, sinimulan nilang manalasa nang agawin ang 33-26 pangunguna sa pagtiklop ng halftime.
Huling nakalapit ang Ana sa fourth period sa 44-53, may 3:00 minuto na lamang ang nalalabi sa laro, bago nagtu-lungan sina Gilbert Malabanan at Warren Ybañez sa 16-7 salvo upang iposte ang 69-51, kalamangan ng Shark may 2:21 ang oras, bago sinundan ito ng pinakamalaking 20 puntos na abante sa 73-53, sa huling 1:27 oras ng laro.