Osaka Xtreme Mountainbike Challenge sa Mayo 27

May kabuuang P50,000 premyo ang naghihintay para sa mananalo sa 3rd Osaka Iridology National Xtreme Mountainbike Championship sa Mayo 27 sa Mangyan, Sibonga, Cebu.

Ayon kay Osaka Iridology CEO Jonathan L. Guardo na siyang mangunguna sa flagoff sa alas-6 ng umaga na ang mga premyo para sa nasabing event ay mapapasamakay kaagad ng mananalo sa mismong araw ng competition upang maiwasan ang anumang reklamo.

"If there’s one thing Guardo Sports can boast of, it is fulfilling all our promises to the athletes and participant," ani Guardo.

Inaasahang aabot sa 200 bikers ang nagkumpirma na ng kanilang paglahok sa nasabing event.

Show comments