Age-group Karate Championship

Inihayag kamakailan ng Association for the Advancement of Karatedo (AAK) ang ikapitong serye ng kanilang age group karate championships na idaraos sa SM City Cebu sa Mayo 19-20.

Tinaguriang Super Karate Kids @ SM Supermalls, ang naturang championships ay isang invitational age group individuals kung saan inanyayahan ang mga kabataang karatekas mula sa Visayas at Mindanao na lumahok sa mga miyembro ng AAK.

Kabilang sa event na ito ang kata at kumite events para sa boys at girls sa iba’t ibang age categories.

Para sa iba pang detalye tumawag sa AAK Fitness system, 5/F Bldg. B SM Megamall tel nos. (02) 6356608 (02) 6356611/ (02) 8011498 o FKA Central Visayas sa 09179088431, 09194352841 o 09175495747.

Idaraos naman ang 8th series ng Super Karate Kids @ SM Supermalls sa SM City Pampanga.

Show comments