Whiz dapa sa UP-Waterfront sa PYBL Title Cup
May 17, 2001 | 12:00am
Nagsilbi na namang bayani si Micheal Bravo ng University of the Philippines-Waterfront nang manguna ito sa kanilang panalo, 63-62, kontra Whiz Super Oil noong nakaraang araw upang kunin ang solong liderato sa 1st Crystal Spring-PYBL Title Cup sa Makati Coliseum.
Namayagpag si Bravo bitbit ang 14 na puntos kasama ang 2 tres habang naibuslo nito ang 2 freethrows, 9.4 segundo ang nalalabi upang masiguro ang ikalimang panalo ng Maroons habang tinapos naman ni Whiz Lubricant Carlo Ivan Cruz ang laro sa pamamagitan ng isang jumper, 1.9 segundo ang nalalabi.
Bagama’t maganda ang ipinakita nina Lubricants Alberto Nuqui, Tito Reyes Jr. at Joel Solis sa huling half ng laro ay bumagsak pa rin ito dala ang 1-5 record.
Sa iba pang laro, pinilit bumangon ng Spring Cooking Oil mula sa pagkakahimbing sa panimula ng laro at binugbog nito ang Gringo-Konica sa huling canto upang itala ang panalo sa iskor na 79-60. (Ulat ni Carol Fonceca)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended