Pharmaquick humigpit ng kapit sa PBL Chairman's Cup
May 17, 2001 | 12:00am
Napahigpit ng Pharmaquick ang kanilang kapit sa liderato ng Group B matapos ang impresibong 81-54 panalo kontra sa Ateneo-Pioneer Insurance sa pagpapatuloy ng quarterfinal round ng PBL Chairman’s Cup sa Makati Coliseum kaha-pon.
Napaganda ng Drug Specialists ang kanilang record na 6-4 panalo-talo na lumukob sa kanilang 64-70 pagkatalo kontra sa Hapee Toothpaste noong Mayo 16, habang nalasap naman ng Pioneer Insurers ang ika-pitong kabiguan sa 9 laro.
Matapos kumawala ang Pharmaquick sa ikalawang quarter, ibinaon nila ng 32 puntos ang Ateneo-Eagles, 77-45 matapos ang 9-0 run sa ikaapat na quarter.
Pinangunahan nina ex-pro Jun Jabar at Jay Lapinid ang Drug Specia-lists sa pagposte ng 16 at 17 puntos, ayon sa pag-kakasunod katulong sina Bruce Dacia at Leo Avenido na may tig-10 pun-tos.
Dikitan pa ang laba-nan sa unang quarter na natapos sa 17-14 pabor sa Pharmaquick, ngunit sa pagpinid ng ikalawang canto, nagsanib ng puwersa sina Jabar at Lapinid upang isara ang first half na taglay ng Drug Specialists ang 38-25 kalamangan.
"Medyo maganda ang record," pahayag ni coach Bernie Fabiosa." This is a big win for us dahil nakabawi na kami sa huling talo namin against Hapee tapos medyo malakas ang kapit namin sa no. 1 slot ng lower bracket. Sana magtuloy-tuloy ito."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended