Ang panalong ito ni Soquino ay dinuplika ng RP-World NTT member Bien Zoleta nang kanyang gulantangin si Abigail Racines, 6-2, 6-2 sa girls 16-under bracket at magaang na namayani naman kontra kay Snowy Lachica, 6-0, 6-1.
Nakisosyo sa karangalan nina Soquino at Zoleta sina Gerard Ngo, James Canete, Kyle Dan-dan, Bambi Zoleta at Charise Godoy sa Milo netfest na ito na inorganisa ng CTW at suportado ng Adidas at Sports Kids.
Ang Milo trophies ay iginawad ni Cebu tennis youth director John Pages, habang si Sheryl Quano ang nagkaloob naman ng medalya at certificates sa mga beginners workshop na ginanap sa Mandaue City Tennis Club.
Tinalo ni Ngo si Bambi, 6-3, 7-3 sa unisex 10-under division; nanaig si Canete kay Dante Codilla, 6-4, 6-3 sa boys 12-under bracket iginupo ni Dandan si John Villa, 6-4, 6-3; bumawi naman si Bambi sa girls 12-under class nang kanyang talunin si Jin Querubin, 6-3, 4-6, 6-3 at pinabagsak naman si Krissy Alina, 6-4, 6-1 para sa girls 18-under title.