Gringo-Konika nilampaso ng UP sa 1st Crystal-PYBL Title Cup
May 15, 2001 | 12:00am
Nilampaso ng University of the Philippines ang Gringo-Express Konica nang tam-bakan nila ito, 59-43 kahapon sa pagpapatuloy ng 1st Crystal Spring-PYBL Title Cup sa Makati Coliseum.
Pinakawalan nina Patrick Madarang at Michael Bravo ang anim na magkakasunod na tres upang palobohin ang kanilang lamang sa 25 puntos, 17-42 sa pagsisimula ng ikatlong canto.
Pinangunahan ni Bravo ang kampanya ng kanilang koponan sa paghakot ng 17 puntos upang ihatid ang UP Maroons sa kanilang ikaapat na panalo matapos ang limang laro upang makisosyo sa liderato sa University of Assumption-Goldilocks matapos na pataubin ng Blue Pelicans ang National University sa iskor na 73-67.
Bumandera ang 5’11 na si Roel Galura sa Univ. of Assumption matapos na huma-taw ng 22 puntos na sinupor-tahan naman ni Alberto Galugra ng 13 puntos.
Sa iba pang laro, naga-wang itakas ng Spring Cooking Oil ang 68-66 mahigpitang panalo kontra sa Whiz Super Oil Treatment.
Samantala, tatangkain ng UP-Waterfront na kunin ang pangunguna sa nakatakdang pakikipagsagupa ngayon laban sa Whiz sa ganap na alas-3:15 ng hapon.
Maghaharap naman ang Regent at defending champion Boysen-MLQU sa 1:30, ha-bang magsusubukan naman ng lakas ang Spring Cooking Oil at ang Gringo-Konica sa alas-5 ng hapon. (Ulat ni Carol Fonceca)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended