Ang panalong ito ay nag-angat sa record ng Teeth Sparklers sa 4-5 panalo-talo sa lower bracket habang nalasap naman ng Drug Specialists ang ika-4 na kabiguan sa 9 laro, ngunit nanatiling lider sa naturang grupo.
Humataw si Niño Gelig sa fourth quarter kung saan nagtala ito ng 8 puntos sa tinapos na 16 sa likod ng top scorer na si Cyrus Baguio na may 17 puntos.
Base sa format, ang makaka-sweep ng 4 games sa 5 koponan na nasa lower bracket ay may tsansang harapin ang mamumunong koponan sa naturang grupo.
Ang makakalusot dito, kasunod naman nitong kakalabanin ang No. 4 team sa upper bracket na siyang susulong sa semifinals kasama ang top 3 teams sa naturang grupo.
Samantala, nangunguna naman sa karera ng Most Valuable Player si Chester Tolomia ng Shark Energy Drink mata-pos ang elimination round.
Si Tolomia ay may kabuuang 316 puntos matapos umani ng 196 sa statistics at 120 won-game points makaraang ma-sweep ng Energy Drinks ang kanilang walong laro sa eliminations.
Kasunod ni Tolomia ay si Marlon Legaspi ng Giv Beauty Soap na may 264 puntos at ang kanyang kasamahang si Rysal Castro na pumapangatlo taglay ang 254 puntos.
Si Legaspi ay may 189 statistical points at 75 won-game bonus habang si Castro ay may 134 stats points at 120 won-game bonus.
Nasa fourth place naman si Ronald Pascual ng Ana Freezers na may 249 puntos at Leo Avenido ng PharmaQuick na may 243. (Ulat ni Carmela Ochoa)