Cortes sibak kay Jopia sa Milo Jr. Netfest
May 13, 2001 | 12:00am
Pinatalsik ni Julia Ann Jopia si Claire Cortes, 6-4, 6-4 upang umusad sa girls 12-under division noong Sabado sa Milo Junior Tennis Cup & Regional Workshop dito sa Sancase Tennis Club.
Makakasama ni Jopia sa susunod na round sina Raissa Felicitas sa unisex 10-under class at Katrina Del Rosario sa girls 14-under bracket sa Milo netfest na ito na inorganisa ng CTW at suportado ng Adidas at Sports Kids.
Pinayukod ni Felicitas si Mark Bahinting, 6-4, 6-2, habang naungusan ni Del Ro-sario si Trisha Clarito, 7-5, 4-6, 7-5.
Sa boys 18-under division, tinalo ng club netter na si James Dumoran si Govino Daswani, 6-4, 6-0; hiniya ng top seed na si Johan Guba ang kalabang si Edwin Baca-risas, 6-2, 6-1, ginapi ni Carlo Oca si Joel Locsin, 6-0, 2-6, 6-3 at sinilat naman ni Arlou Soquino si Chase Tinio, 6-0, 6-4.
Ang iba pang nanalo ay sina Gino Bautista na bumokya kay Joseph Mag-banua, 6-0, 6-0; namayani si Allan Alfafara kay Julianito Jopia, 6-2, 6-2 at diniskaril ni Janjie Soquino si Jandrick de Castro, 6-3, 4-6, 6-1.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended