Dahil dito, nauwi sa wala ang naitalang 79-64 panalo ng PharmaQuick sa unang laro kontra sa Ateneo-Pioneer Insurance dahil lumagpak na ito sa loosers bracket.
Bagamat nagtapos ang Paint Masters at Drug Specialists na tabla sa 5-3 win-loss record, nakasama sa apat na team na bubuo ng upper bracket ang Welcoat dahil sa kanilang mas mataas na qoutient.
Makakasama ng Paint Masters sa upper bracket ang No.1 Shark Energy Drinks, Ana Freezers at Giv Beauty Soap.
Pinangunahan ni Bruce Dacia ang Pharma-Quick sa paghakot ng 27-puntos katulong si Leo Avenido na may 21-puntos upang ipalasap sa Pioneer Insurers ang kanilang ikaanim na kabiguan sa 8 pakikipag-laban.
"At least may winning streak kami going into the quarterfinal round," paha-yag ni PharmaQuick coach Bernie Fabiosa na tiyak na nag-abang sa kinalabasan ng laro ng Welcoat at Ana na siyang magiging basehan ng kanilang kapalaran.
Ibinandera ng PharmaQuick ang kanilang pinakamalaking kalamangan na 66-51 matapos ang slum dunk ni Dacia, 4:25 na lamang ang oras.