^

PSN Palaro

Welcoat Paints inokupahan ang 4th slot sa PBL Chairman's Cup

-
Pormal na inokupahan ng defending champion Welcoat Paints ang ikaapat at huling puwesto sa upper bracket patungong quarterfinals round nang kanilang igupo ang Ana Freezers, 75-66 sa pagtatapos ng elimination round ng PBL Chairman’s Cup sa Makati Coliseum.

Dahil dito, nauwi sa wala ang naitalang 79-64 panalo ng PharmaQuick sa unang laro kontra sa Ateneo-Pioneer Insurance dahil lumagpak na ito sa looser’s bracket.

Bagamat nagtapos ang Paint Masters at Drug Specialists na tabla sa 5-3 win-loss record, nakasama sa apat na team na bubuo ng upper bracket ang Welcoat dahil sa kanilang mas mataas na qoutient.

Makakasama ng Paint Masters sa upper bracket ang No.1 Shark Energy Drinks, Ana Freezers at Giv Beauty Soap.

Pinangunahan ni Bruce Dacia ang Pharma-Quick sa paghakot ng 27-puntos katulong si Leo Avenido na may 21-puntos upang ipalasap sa Pioneer Insurers ang kanilang ikaanim na kabiguan sa 8 pakikipag-laban.

"At least may winning streak kami going into the quarterfinal round," paha-yag ni PharmaQuick coach Bernie Fabiosa na tiyak na nag-abang sa kinalabasan ng laro ng Welcoat at Ana na siyang magiging basehan ng kanilang kapalaran.

Ibinandera ng PharmaQuick ang kanilang pinakamalaking kalamangan na 66-51 matapos ang slum dunk ni Dacia, 4:25 na lamang ang oras.

vuukle comment

ANA FREEZERS

ATENEO-PIONEER INSURANCE

BERNIE FABIOSA

BRUCE DACIA

DRUG SPECIALISTS

GIV BEAUTY SOAP

LEO AVENIDO

MAKATI COLISEUM

PAINT MASTERS

PIONEER INSURERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with