^

PSN Palaro

Milo Junior netfest tutungo sa Cebu

-
Tutungo ang Milo Junior Tennis Cup & Regional Workshop, ang natatanging mass-based, year-round program upang mag-promote at turuan ang mga kabataan na matuto ng larong tennis sa Sancase Tennis Club sa Banilad, Cebu City na ngayon ay nasa ikaapat na yugto na simula Mayo 11-13.

Ang naturang programa na nasa ika-10th sunod na taon ng idinaraos ay binubuo ng dalawang components: ang Junior tennis Cup, para sa age group tournament na gaganapin sa loob ng tatlong araw at ang Regional Workshop, isang free beginners’ clinic na bukas para sa lahat ng interesadong kabataan mula edad lima pataas.

Tampok sa tournament ang 18-under, 16 and under, 14 and under, 12 and under at under 10 unisex division para sa lalaki at babae. Ang lahat ng tournament ay sanctioned ng Philippine Tennis Association (PHILTA), na magbibigay ng mga puntos sa mga kalahok upang ma-established ang kani-kanilang national ranking. Ang national ranking ang siyang dedetermina para sa kakatawan sa bansa sa junior international competitions.

Bukod sa Cebu, dadayo din ang Milo netfest sa limang bagong lugar sa bansa. Ito ay sa Bontoc, Mountain Province; Virac, Catanduanes; Ipil, Zamboanga del Sur, Batanes at Puerto Princesa, Palawan.

BATANES

CEBU CITY

MILO JUNIOR TENNIS CUP

MOUNTAIN PROVINCE

PHILIPPINE TENNIS ASSOCIATION

PUERTO PRINCESA

REGIONAL WORKSHOP

SANCASE TENNIS CLUB

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with