Maagang nagpakitang gilas ang Paintboys ng tambakan nila ang kalaban sa huling canto ng iposte ang 11 puntos na pinakamalaking abante may 2:22 ang nalalabing oras sa laro.
Sumandig ang Paintboys sa tikas ni Edilito Saygo nang kanyang pangunahan ang kampanya ng kanilang koponan upang palakasin ang kanilang kampanya na mapanatili ang hawak na korona sa paghakot ng 21 puntos.
Nagdagdag naman si Theody Habelito ng 12 puntos, habang sa Oilers ay nanguna sina Mario Reyes at Gregorio Dural na may 15 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Samantala, pinanigan naman ng suwerte ang Gringo-Express Konica nang pataubin nila ang National University sa iskor na 71-69.
Isinelyo ni Ronnie Za-gala ang tagumpay ng koponan mula sa kanyang huling dalawang free throws may 35 segundo na lamang ang nalalabi sa laro.(Ulat ni Carol Fonceca)