^

PSN Palaro

Boysen-MLQU lusot sa Spring Cooking Oil sa PYBL

-
Muling pinatunayan ng defending champion Boysen-MLQU na hindi sila kayang banggain ng koponang Spring Cooking Oil nang kanila itong gapiin, 69-63 sa pagpapatuloy ng 1st Crystal Spring PYBL Title Cup sa Makati Coliseum.

Maagang nagpakitang gilas ang Paintboys ng tambakan nila ang kalaban sa huling canto ng iposte ang 11 puntos na pinakamalaking abante may 2:22 ang nalalabing oras sa laro.

Sumandig ang Paintboys sa tikas ni Edilito Saygo nang kanyang pangunahan ang kampanya ng kanilang koponan upang palakasin ang kanilang kampanya na mapanatili ang hawak na korona sa paghakot ng 21 puntos.

Nagdagdag naman si Theody Habelito ng 12 puntos, habang sa Oilers ay nanguna sina Mario Reyes at Gregorio Dural na may 15 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, pinanigan naman ng suwerte ang Gringo-Express Konica nang pataubin nila ang National University sa iskor na 71-69.

Isinelyo ni Ronnie Za-gala ang tagumpay ng koponan mula sa kanyang huling dalawang free throws may 35 segundo na lamang ang nalalabi sa laro.(Ulat ni Carol Fonceca)

vuukle comment

CAROL FONCECA

CRYSTAL SPRING

EDILITO SAYGO

GREGORIO DURAL

GRINGO-EXPRESS KONICA

MAKATI COLISEUM

MARIO REYES

NATIONAL UNIVERSITY

PAINTBOYS

RONNIE ZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with