5th win target ng Giv sa PBL Chairman's Cup
May 10, 2001 | 12:00am
Solong ikatlong puwesto ang puntirya nga-yon ng Giv Soap sa kanilang nakatakdang pakikipaglaban kontra sa Ateneo-Pioneer sa pagpapatuloy ng PBL Chairmans Cup sa Makati Coliseum.
Nakatakda ang paghaharap ng Soap Experts at ng Insurers sa dakong alas-5:30 ng hapon matapos ang upakan sa pagitan ng Univ. of Assumption at UP-Waterfront sa alas-3:30 bilang pampagana.
Ikatlong dikit na panalo ang nais na isakatuparan ngayon ng Giv Soap matapos na maitala ang kanilang pamamayani kontra sa Montana at Hapee Toothpaste.
Walang dahilan si coach Nat Canson upang di nila ito magawa dahil mas higit na mataas ang morale boost ng kanyang tropa kontra sa Ateneo na nakapaglista pa lamang ng ikalawang panalo matapos ang anim na asignatura.
"We really have to hurdle this last eliminations match to avoid complications getting into the winners circle. Thats why I instructed the boys to be extra cautious against Ateneo-Pioneer. Its a fast team and never gives up until the last minute," ani Canson.
Inaasahan na magiging mahigpitan ang sagupaan sa pagitan nina Marlon Legaspi ng Giv at Enrico Villanueva ng Ateneo-Pioneer, gayunman ang Soap Masters ang siyang mas may bentahe sa likuran nina Egay Billiones, Ogie Gumatay at Marlon Kalaw kontra sa ipan-tatapat ng Pioneer Insurers na sina Edrick Ferrer, Paul Tanchi at Andrew Evan Cruz.
Ang panalo ng Giv ang siyang mag-iiwan ng huling slot para sa defending champion Welcoat Paints at Pharmaquick kung sakali mang magkaroon ng three-way tie.
At kapag nangyari ito, ookupahan ng Giv ang No. 3 slot dahil sa kanilang quotient na 1.03, habang 1.00 at 0.93 naman ang Welcoat at Pharmaquick kung kayat silang dalawa ang muling maghaharap sa playoff para sa huling slot.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest