Nalaglag man sa Finals ang Panthers ay masaya na rin si coach Chot Reyes sa tinapos ng kanyang koponan dahil para sa kanya, ito ay isang magandang pangitain para sa kampanya ng kanyang tropa sa huling dalawang kumperensiya.
"I’m glad that we ended the conference really well, we all played well, we showed very well in this conference, we almost made it to the finals but we just lost to San Miguel," pahayag ni Reyes.
Pinangunahan ni Rudy Hatfield ang Pop Cola sa paghakot ng 20 puntos kabilang ang 16 rebounds katulong sina Poch Juinio at William Antonio na may 17 puntos at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod.
"This game is part of our preparation for the next two conferences," ani Reyes. " I’m proud and happy with this win but of course, I’m not that contented."
Umaasa si Reyes na makukuha nila ang serbisyo ni Jason Sasser matapos mabigong dalhin dito sa bansa sina Gerard Ward at Eddi O’Bannon para maging import sa susunod na kumperensiya -- ang Commis-sioner’s Cup.
Inaasahan ni Reyes na darating sa bansa si Sasser sa Mayo 21. Si Sasser ay may karanasan sa NBA at naging bahagi ng All-Star team sa CBA. Nanggaling din ito sa ABA kung saan ito ay may average na 19 puntos at 12 rebounds.
Nagtulung-tulong sina Hatfield, Juinio at Antonio sa ikaapat na canto kung saan kumawala ang Pop Cola. Buhat sa 69-68 bentahe ng Panthers, lumobo ito sa walong puntos matapos ang 9-3 produksiyon na pinangunahan ni Juinio para sa 80-72 kalamangan ng Pop Cola, 37 segundo na lamang ang nalalabing oras.
Kapwa determinado ang Pop Cola at Shell na maisukbit ang konsolasyong third place nang maging mahigpit ang labanan sa first half kung saan nagkaroon ng 10 deadlocks at 6 na pagpapalitan ng trangko.
Umabante ang Shell sa 5 puntos sa kaagahan ng labanan, 16-11 ngunit agad naman itong nag-laho sa pagsapit ng ikalawang quarter kung saan lumamang naman ang Pop Cola ng 4 puntos, 41-37 bago isinara ni Singson ang first half sa 2 puntos na agwat ng Turbochargers, 39-41.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang magkapatid na kumpanyang San Miguel Beer at Barangay Ginebra sa Game Two ng kanilang best-of-seven championship series.
Taglay ng Beermen ang 1-0 kalamangan sa serye nang kanilang buksan ang Finals sa pamamagitan ng 75-66 pama-mayani noong Linggo sa Araneta Coliseum at ito ang nais nilang masundan upang makamit ang bentaheng 2-0. Pop Cola 83-- Hatfield 20, Juinio 17, Antonio 13, Morano 9, Abarrientos 7, Ballesteros 7, Asaytono 5, Gamboa 3, Jose 2.
Shell 75-- Marzan 13, Wainwright 11, Hrabak 11, Jackson 10, Esplana 10, Singson 8, Dela Cruz 6, Lim 4, Dualan 2, Telan 0, Del Rosario 0. Quarterscores: 17-18; 41-39; 58-56; 83-75.(Ulat ni Carmela Ochoa)