^

PSN Palaro

De Ramos kampeon sa Boy' U-15 Active chessfest

-
Pinabagsak ni Joseph Julius de Ramos si National Master Oliver Barbosa sa crucial 5th round upang makopo ang Boys’ U-15 Age-group Active Chess Open sa Grandmasters’ Cafe sa Quezon City.

Ginamit ng 14 anyos na chesser ang kanyang bilis upang daigin ang nagdedepensang ASEAN U-16 champion na si Barbosa sa 34 moves ng English Opening.

Pagkatapos nito, tinapos ng No. 4 seed na si Ramos ang kanyang final round assignment sa pamamagitan ng checkmate kay Rey Jomar Magallanes ng San Beda sa 15 moves ng French Defense para sa kabuuang 6 points sa isang araw na torneo.

Sa kababaihan, nakopo naman ni Palarong Pambansa champion Danielle Day Estrada ang titulo makaraang makuha nito ang mas mataas na Buchholz tiebreak na 21 puntos samantala nakuntento naman si Sherily Cua sa pagiging runner-up sa kan-yang 10 points at ikatlong si Cherry Lyn Galang.

Ang Under-19 Active chessfest ay magbubukas ngayong alas-9 ng umaga.

Samantala, patuloy ang pagkalat ng chess fever sa bayan ng world-famous Bamboo Organ sa pagsisimula ng Las Piñas Non-Master Chess Tournament na idadaos sa Philam Village Multi-Purpose Hall along Alabang-Zapote Road sa Sabado, Mayo 12, ganap na alas- 9 ng umaga.

Bukas para sa lahat ng amateur chess enthusiasts ang 7-Round Swiss System na ito taglay ang isa’t kalahating oras para tapusin ang laro.

Ayon sa tournament director Carlos Puetespina, ang apat na araw (Mayo12, 13, 19 at 20) na torneong ito na inorganisa ng Las Piñas Chess Club ay magbibigay ng P12,000 na papremyo bukod sa trophies habang P200 naman ang registration fee.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa 327-0003 o mag-email sa [email protected].

ACTIVE CHESS OPEN

ALABANG-ZAPOTE ROAD

ANG UNDER

BAMBOO ORGAN

CARLOS PUETESPINA

CHERRY LYN GALANG

CHESS CLUB

DANIELLE DAY ESTRADA

ENGLISH OPENING

LAS PI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with