1-2 finish nina Bustamante at Reyes sa JOSS Northeast 9 Ball Tour Finals
May 8, 2001 | 12:00am
VERONA, New YORK-- Sa wakas nagawa na ring pantayan ni Francisco "Django" Bus-tamante ang kanyang idolo at mentor nang kanyang igupo si Efren Bata" Reyes, 13-11 sa JOSS Northeast 9-Ball Tour Finals sa Turning Stone Casino resort dito noong Linggo.
Ang panalo ni Bustamante ang nagbigay sa Pilipinas ng 1-2 finish sa limang araw na double elimination tournament na ito na nagtampok sa mahuhusay na 128 to-rated pool pros na kina-bibilangan nina superstar Earl Strickland, Johnny Archer at Nick Varner ng Amerika.
Ito ang ikalawang titulo na napagwagian sa U.S. pro billiards tour ng mga protege nina Manila Sportsmen Jose G. Puyat at Aristeo G. Puyat kung saan nauna nang nag-uwi si Reyes ng korona sa Chesapeak, Virginia noong nakaraang linggo.
Ang panalo ni Bustamante ay nagkaloob sa kanya ng $15,000 at nagbulsa naman si Reyes ng $9,500 bilang ikalawang puwesto.
Tinalo ni Bustamante si Reyes, 11-4 sa quar-terfinals at umusad kontra sa kanyang kababayan at teammate sa finals matapos na pabagsakin naman si Charlie Williams ng Amerika, 11-9 sa semifinals.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am