RP tracksters matagumpay ang kampanya sa Thailand Open
May 8, 2001 | 12:00am
Namayagpag ang mga pambato ng Pilipinas na sina Eduardo Buenavista, John Lozada at Lerma Bulauitan sa kani-kanilang event at nagpamalas ng pinaka-impresibong paglalaro sa pagtatapos ng The Thailand Open na ginanap sa Bangkok.
Ang 22-anyos na si Buenavista ay isang Sydney Olympics Veteran na nagwagi ng kanyang ikalawang gintong medalya matapos manguna sa 5,000 meter steeplechase taglay ang oras na 14:42.39 kontra sa kalabang Thailander (15:08.16) at Sri Lankan (15:15.15).
Gayundin, kinuha ni Lozada ang kanyang ikalawang gold medal nang tapusin nito ang 1,500m run sa oras na 1:50.86, wala pang isang segundo na kalamangan laban sa manlalaro mula sa India (1:51.73) at Chinese Taipei (1:51.91).
Sa unang pagkakataon naman ay natamo ni Bulauitan, isa pang Sydney Olympian, ang unang karangalan sa long jump taglay ang layong 6.14 m na tumalo sa Thai challenger (6.13m) at kababayang Marestella Torres (6.12).
Ang mga gold medalist ay tatanggap ng P5, 000 mula sa Philippine Sports Commission at karagdagang insentibo din mula kay athletic chief Go Teng Kok para sa mga manlalaro na nag-uwi ng unang karangalan sa bansa.
Maliban sa mataas na performance na ipinakita ng Philippine team ngayong taon, pitong gold, anim na silver at anim na bronze, nagbigay daan din ito upang lumitaw ang galing ni Geralyn Amandaron, isang 22-anyos na tubong Dalagueto, Cebu na gumawa ng 51m para sa javelin throw bilang pinaka-unang Filipino na nilampasan ang 50m barrier.
Nakauwi na sa bansa ang Philippine team kasama ang mga coaches at trainers kahapon at matapos ang ilang araw na pamamahinga ay sasabak silang muli sa pagsasanay para sa Milo-sponsored tilt.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended