^

PSN Palaro

Katatagan asam ng An Freezers vs Montana Pawnshop sa PBL

-
Nagnanais ang Ana Freezers na kunin ang ikalimang sunod na panalo upang patibayin ang kanilang tsansa sa quarterfinals kontra Montana Pawnshop mamayang hapon sa 2001 PBL Chairman’s Cup sa Makati Coliseum.

Tatangkain ng Freezer Kings na siguraduhin ang ikalawang puwesto sa pangunguna taglay ang 5-1 record habang umaasa pa rin ang Ateneo-Pioneer na panigan sila ng suwerte laban sa Hapee Toothpaste upang makapasok sa quarter-final round.

Naging matunog naman ang pangalan ni Ana Freezers team owner at head coach Rudy Mendoza sa conference na ito matapos ang four-game winning streak na ginawa ng kanyang tropa subalit nag-aalala si Mendoza na makakaapekto sa team ang two-weeks break na dinanas ng Ana makaraang talunin ang Osaka, 79-72.

"Baka makalimutan na naming manalo," ang biro ni Mendoza. "Matagal kasi ang pahinga, but we’ve prepared hard for this," dagdag nito.

Pinalakas talaga ng team ang kanilang opensa at depensa upang tiyaking mapapataob nila ang malakas ding koponan ng Montana at mapigilan ang pambato ng Jewelers na sina Jacques Gottenbos at Gilbert Lao.

Tatlong sunod na kabiguan ang dala ng Montana gayunpaman, sasandig si Coach Leo Isaac sa galing nina John Lim at Aries Dimaunahan.

Sa PYBL, nakatakdang magharap ang Gringo-Konica at Whiz sa alas-9 ng umaga na kagaad susundan ng bakbakan ng National U at Regent sa alas-10:45 ng umaga at University of Assumption kontra UP-Waterfront sa alas-12:30 ng tanghali. (Ulat ni C. Fonceca)

ANA FREEZERS

ARIES DIMAUNAHAN

COACH LEO ISAAC

FREEZER KINGS

GILBERT LAO

HAPEE TOOTHPASTE

JACQUES GOTTENBOS

JOHN LIM

MAKATI COLISEUM

MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with