^

PSN Palaro

Ibang Ginebra ang lalabas sa Game 2 sa PBA All Filipino Cup

-
Biniro ni Jun Limpot si Coach Allan Caidic sa pag-apak nito sa court matapos ang karaniwang call-out ng players sa pagbubukas ng Philippine Basketball Association title series.

"Akala ko may sunog sa loob ng Araneta Coliseum dahil mausok, at saka parang brownout yata," nakangiting sambit ni Limpot na ngayon palang naka-abot sa finals simula ng kanyang PBA career noong 1993. "Ganito pala sa Finals."

Tila magkahalong pagkamangha at pagkagulat ang mababasa sa kanyang mukha matapos na matalo ang Barangay Ginebra kontra San Miguel sa iskor na 75-81, na muntik ng magpababa sa morale ng team.

Subalit, di ito alintana ni Limpot. "Hindi ako masyadong nasaktan noong natalo kami, dahil nakita ko sa team naming talagang pagod na lang kami going into that game," wika ni Limpot. "Alam ko na puwede kaming bumalik dahil lamang kami sa match up speed."

"Tingnan mo kami sa Wednesday, pare, you will see the Ginebra team that worked so hard to get this far. Garantisado yan," determinadong sabi ng dating Sta. Lucia star player.

Nagdaos ang Ginebra ng kanilang workout kahapon sa PhilSports Arena ang siyang lugar ng Game 2 bukas sa ganap na alas-7:30 ng gabi at umaasa si Limpot at ang iba pang ka-temamate na kumpiyansang maitatabla ang serye.

vuukle comment

ALAM

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

COACH ALLAN CAIDIC

GINEBRA

JUN LIMPOT

LIMPOT

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with