RTU Mandaluyong kampeon sa National Open Women's Softball
May 7, 2001 | 12:00am
Malolos City - Umiskor ng single sa leftfield si Aileen Abello sa extra inning na naging susi sa 6-5 panalo ng RTU-Mandaluyong kontra sa Adamson Lady Falcons upang mapagwagian ang titulo sa 2001 National Womens Softball championship na itinataguyod ng Philippine Sports Commission at Malolos Mayor Resty Roque sa Matimbo Elementary School ground dito.
Mahigpit na naglaban ang dalawang team at tila see-saw sa pagpapalitan ng score ng ilang beses at nagtabla sa 5-all sa pagtatapos ng regulation seven inning.
Nauna rito, nagwagi din ang RTU kontra sa University of Batangas, 2-0, sa runs nina Janebeb Balbuena at Mechil Cristobal para maghintay sa team na makakalaban sa kampeonato.
Sa kabilang dako, ang Adamson naman ay nanalo sa Rizal 5-3, sa pamama-gitan ng tatlong sunod-sunod na hits nina Gina Salvador, Neli Lara at Jenny de Jesus sa 9th inning na nag-produced ng dalawang runs sa laro na nagtapos sa 3-all sa regular 7 inning game.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended