Sumandig si Battad sa kanyang malalim na karanasan upang igupo ang bagitong si Bibal at makasama ang top seed na sina Vidas Alpuerto, second pick Julie Ann Cadiente at No. 4 Kristel Samala sa quarterfinals ng girls 18 years and under.
Ang iba pang nakapasok sa quarterfinals ay sina Pauline Floreds, Jaychen Wee, M. Andes at Ivy de Castro.
Tinalo ni Flores si Joan Khayog, 6-0, 6-1 at sinibak ni Wee si Kate Erece, 6-2, 6-0, habang nakakuha naman si de Castro ng first round byes.
Nakapasok naman sa second round ng boys division sina Jasper Alpuerto, Carlo Navarro at Paul Papa, habang sa kababaihan, umusad naman sina Michelle Mendoza, Lyn Ann Caasi at Della Lyn Caasi.