Adamson U sinilat ng Batangas U sa National Open Women's Softball
May 4, 2001 | 12:00am
MALOLOS CITY -- Umiskor ang Batangas U ng dalawang runs sa tie breaker 8th inning upang itakas ang kanilang 13-2 panalo kontra sa dating walang talo at solo lider na Adamson U Falcons kahapon sa muling pagbuhay ng National Open Wo-mens Softball championships na hatid ng Philippine Sports Commission at Malolos Mayor Resty Roque sa Sta. Isabel Elementary dito.
Mula sa 1-1 pagtatabla ng iskor sa regulation seven innings at sa pagsisimula ng extra innings, awtomatikong nakatapak si Jelyn Alejandro sa second base bunga ng rule tie break.
Umusad si Alejandro sa scoring position sa third base nang tumira ang first batter na si Belen Ramirez na napunta naman sa first base.
Nauna rito, kumana ang RTU-Mandaluyong ng limang runs sa fifth inning upang igupo ang Bacolod sa iskor na 5-0 at masolo ang pamumuno sanhi ng kanilang malinis na 5-0 win-loss slate.
Pinagbidahan ng 3 RBIs (run-batted-in) at isang homerun ni Janebe Bal-buena at 2 RBIs ni Nancy Fabella ang panalo ng mga taga-Mandaluyong.
Sa iba pang laro, umiskor naman ang UP ng dalawang panalo kontra sa PUP, 5-1 at Negros Oriental, 13-0 upang muling makabalik sa kontensiyon, habang hiniya ng Bacolod City ang PUP, 14-0 para iposte ang kanilang ikaapat na panalo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended