^

PSN Palaro

Osaka diniskaril ng Welcoat sa PBL Chairman's Cup

-
Umarangkada ang defending champion Welcoat Paint Masters sa ikaapat na yugto ng laro at kanilang diniskaril ang hangad ng Osaka Iridology na makasilat tungo sa 67-60 panalo sa pagpapatuloy ng eliminations ng 2001 PBL Chairman’s Cup sa Makati Coliseum.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Paint Masters na nag-angat ng kanilang record 4-3 win-loss slate habang lalo namang nabaon ang Iridologists na lumasap ang kanilang ikapitong sunod na kabiguan sa gayundin karaming laro.

Taglay ang 47-43 bentahe papasok ng final canto, higit itong pinalawig ng Welcoat sa pamamagitan ng 9-2 run sa pangunguna ni Jojo Manalo upang kunin ang 56-45 abante.

"Maganda na ang nilalaro ng team pero hindi pa 100%," pahayag ni Welcoat coach Junel Baculi. "Pero papunta na doon. Sana magtuluy-tuloy na ito."

Nagbanta ang Osaka sa pangunguna ni Manny Ramos na namuno sa 12-5 run upang makalapit ang Iridologists sa 57-61 matapos ang tres ni Rommel Daep.

Ngunit muling pumutok ang mga kamay ni Manalo na umiskor ng tres para ilayo ang agwat ng Paint Masters, 64-52 kasunod ng kanyang dalawang freethrows at ni Eugene Tan laban sa split shot ni Daep na siyang sumiguro ng tagumpay ng Welcoat.

Tumapos si Manalo ng 20 puntos, 10 nito ay buhat sa fourth quarter bukod pa sa kanyang apat na rebounds at 1 assist katulong si Yancy de Ocampo na nag-ambag naman ng 14 puntos. (Ulat ni Carmela Ochoa)

CARMELA OCHOA

EUGENE TAN

IRIDOLOGISTS

JOJO MANALO

JUNEL BACULI

MAKATI COLISEUM

MANALO

MANNY RAMOS

PAINT MASTERS

WELCOAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with