^

PSN Palaro

Lady Falcons solo lider sa Nat'l Open Women's Softball

-
Malolos City-Namayagpag ang reigning UAAP champion Adamson University Lady Falcons matapos kunin ang dalawang magkasunod na panalo kahapon upang manatili sa solong liderato sa eight-team National Open Women’s Softball championship na ginaganap sa Barangay Matimbo Elementary School dito.

Muntik ng mapunta sa wala ang pinaghirapan ng Lady Falcons ng maging mahigpit ang pakikipaglaban nila sa koponan ng University of the Philippines subalit nakabangon sila matapos maka-iskor ng apat na malalaking runs sa last inning.

Mula sa 2-5 pagkakalubog sa pagtatapos ng sixth inning umusad sa dalawang bases sina Baby Tamse at Nene Rance na nakarating ng second at first bases ayon sa pagkakasunod.

Pumalo ng isang single to left field si Karen Aribal na nagdala kay Tamse sa susunod na base, bago sinundan ng double to center field ni Gina Salvador na tuluyang nagpa-iskor kina Rance at Aribal.

Isinelyo ni Salvador ng Adamson ng umiskor ito ng winning run.

Makaraan ang dalawang oras matapos ang kanilang sagupaan ng UP ay nilampaso naman ng Lady Falcons ang Negros Occidental sa iskor na 21-2 para sa 4-0 win-loss card.

Matapos ang dalawang dikit na panalo tiyak na mayroon ng puwesto ang Adamson para sa page-system tournament na ito na magkatuwang na itinataguyod ng Philippine Sports Commission at ni Malolos Mayor Resty Roque.

Sa iba pang laro, nanatili ang Rizal Technological University-Mandaluyong sa ikalawang puwesto matapos padapain ang Negros Oriental sa iskor na 26-2.

ADAMSON

ADAMSON UNIVERSITY LADY FALCONS

BABY TAMSE

BARANGAY MATIMBO ELEMENTARY SCHOOL

GINA SALVADOR

KAREN ARIBAL

LADY FALCONS

MALOLOS CITY-NAMAYAGPAG

MALOLOS MAYOR RESTY ROQUE

NATIONAL OPEN WOMEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with