^

PSN Palaro

Robinson Summer badminton inilunsad

-
Inilunsad kamakailan ng newly-appointed PSC Commissioner Cynthia L. Carrion ang isang sports clinic para sa mga batang kalye sa probinsya ng Cavite na ginaganap sa Robinsons Place Imus.

Walang bayad ang "Robinson's Summer Badminton" para sa lahat ng street children ng probinsya at nakahikayat na ito ng 100 participants na lalahok sa alinman sa tatlong sessions na ibinibigay ng sports clinic, 10:00 a.m.-12:00 noon, 2:00-4:00 p.m. at 4:00-6:00 p.m..

Ang proyekto na ito ay inorganisa ng Sectoral Sports Office (SSO) ng Philippine Sports Commission (PSC) sa ilalim ng opisina ni Commissioner Carrion.

"The SSO of the PSC will revive the Palaro sa Batang Lansangan in the National Capital Region (NCR) soon and we have our plans of extending this project to the provinces and one of our venue for the pilot project is in Cavite," ayon kay Carrion.

Samantala, patuloy naman ang pagpaplano ni Commissioner Carrion sa pakikipagtulungan ng Dept. of Social Welfare and Development (DSWD) para sa tinatayang pinakamalaking national sportfest para sa street children sa bansa. (Ulat ni C. Fonceca)

BATANG LANSANGAN

CAVITE

COMMISSIONER CARRION

COMMISSIONER CYNTHIA L

NATIONAL CAPITAL REGION

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

ROBINSONS PLACE IMUS

SECTORAL SPORTS OFFICE

SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

SUMMER BADMINTON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with