^

PSN Palaro

Welcoat magpapalakas ng tsansa vs Osaka sa PBL Chairman's Cup

-
Kapwa pursigido ang nangungunang team Shark Energy Drink at defending champion Welcoat Paints na patumbahin ang kanilang mga kalaban sa magkasunod na laro ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2001 PBL Chairman’s Cup sa Makati Coliseum.

Tatangkain ng Paint Masters na palakasin ang kanilang tsansa sa quarterfinal round sa pakikipagsagupa nito sa Osaka Iridology sa ganap na alas 3:30 ng hapon samantalang papalawigin naman ng Shark ang kanilang panalo sa walo laban sa Montana Pawnshop mamayang alas 5:30 ng hapon.

"We need as many wins to assure ourselves of the first finals slot. And I still have to incur that mental toughness in preparation for that, and Montana will be a good test for the boys," wika ni Shark coach Leo Austria.

Nag-aalala si Austria dahil tiyak na magiging mahigpit ang labanan nila dahil kakailangin ng Jewelers na makabangon mula sa dalawang sunod na kabiguan nito, ang huli ay sa Welcoat sa iskor na 54-58 noong Abril 24.

Sa iba pang laro, pipiliting tuhugin ng Welcoat ang kanilang tatlong huling laro para makamit ang kanilang fifth straight final appearances habang patuloy ang kanilang kampanya upang mapanatili ang kanilang korona.

Samantala, pinakawalan ni Ranulfo Abo ng ML Kwarta Padala ang isang buzzer beating triple na nagpatumba sa M.Lhuiller sa iskor na 87-86 tagumpay sa 1st OHM CBL-MICAA Summer Showdown na ginanap sa Tabunok Sports Complex sa Cebu City.

Ilang segundo na lang ang nalalabi sa pamumuno ng M.Lhuiller sa iskor na 86-84 nang ipasa ni guard Joselito Celiz ng ML Kwarta Padala ang bola kay Abo na siyang nagdala sa kanila ng 1 puntos kalamangan bago matapos ang laro. (Ulat ni Carol Fonceca)

vuukle comment

CAROL FONCECA

CEBU CITY

JOSELITO CELIZ

KANILANG

KWARTA PADALA

LEO AUSTRIA

LHUILLER

MAKATI COLISEUM

MONTANA PAWNSHOP

OSAKA IRIDOLOGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with