^

PSN Palaro

Malaking laban naghihintay sa magkapatid na Rubillar

-
Matapos ang matagumpay na pagdepensa sa kani-kanilang korona noong isang linggo, isang malaking laban ang naghihintay sa magkapatid na Er-nesto at Juanito Rubillar.

Kasalukuyang nakikipag-usap ang boxing promoter na si Gabriel "Bebot" Elorde Jr., sa isang preliminary talks para sa posibleng pagsabak ng magkapatid na Rubillar sa kasalukuyang world champions.

Inaalok ni Elorde ang Koreanong si Yosam Choi, ang WBC lightflyweight champion para sa posibleng world title kontra kay Juanito na gaganapin alin man sa Manila o Seoul, habang isasabak naman si Ernesto kontra Jose Antonio Aguirre ang WBC minimumweight champion ng Mexico sa Manila o sa Tijuana.

Matatandaan na impresibong performance ang ipinamalas ng dalawa sa undercard ng Manny Pacquiao-Wethya Sakmuangklang ng Thailand noong Sabado na ginanap sa Kidapawan City.

Isang technical knockout ang itinala ni Juanito sa ikaanim na round kontra Fahsang Pow Pongsawang sa lightweight class, habang umiskor naman ng knockout si Ernesto sa ikaapat na round laban kay Somthawin Singwongcha sa minimumweight division.

Si Juanito ang No. 2 sa WBC ratings, habang nasa top ten naman sa lightflyweight at minimumweight divisions si Ernesto.

Sa ngayon, kasalukuyan nang sumasailalim ang Rubillar brothers sa intensive training at kung ang nasabing negosasyon ay maipormalisa, maaaring tanghalin ang dalawang Pinoy bilang world champions bago matapos ang taong ito.

ELORDE JR.

ERNESTO

FAHSANG POW PONGSAWANG

JOSE ANTONIO AGUIRRE

JUANITO

JUANITO RUBILLAR

KIDAPAWAN CITY

MANNY PACQUIAO-WETHYA SAKMUANGKLANG

RUBILLAR

SI JUANITO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with